Sunday, August 07, 2005
no woman no cry...
its hard to hide what something that is somehow ovious.
parang puting buhok sa isang baby.
pero wala namang masama kung may puting buhok ka diba? e bat ko b pinipilit itago sa likod ng mga black hair yung white hair ko? o kaya paminsan kinukulayan ko ng black yung white. bakit ko ba ginagawa yun? e ngayon sa sobrang pagtatago ko, nasanay na yung mga tao na wala akong puting buhok. e pano pag bigla na lang mawalan ako ng pangkulay? o nakalimutan ko itago sa mga black hairs ko? edi makikita ng mga tao. magugulat sila. tapos un pala ayaw nila na may white hair yung isang tao. kaya ayaw na nila sakin. ang supot ng feeling na un. pero hindi ko naman sila masisisi kasi nagstir ako e. e pano kung yung mga tao pala na yun e sobrang importante sayo? na pag nawala sila, hindi mo na alam gagawin mo? edi pagsisisihan ko na ngayon na tinago ko pa yung mga white hairs ko. ang TAMANG gawin ko ay ipakita sa kanila yung white hairs ko asap para di nila isipin na stir ako. diba? pero yun nga, baka itakwil nila ako pag nalaman nila. ayoko naman na mawala sila. ayoko rin naman na itago pa ung white hairs ko. oo, dapat ko pa rin sabihin sa kanila at tangapin kung ano man reaksyon nila. masama man o mabuti. pero ang hirap talaga e. alam mo yung parang kapag itinakwil na ko, alam kong may papalit sakin na walang white hairs. oo kaibigan pa rin ako nila pero di na ko as in kasama talaga. ampangit ng sitwasyon ko. ako na lang kaya humiwalay sa kanila? di ko rin yata kakayanin. malaking burden sakin yun. pero kung d na ko magpapakita sa kanila, edi d na ko na kaylngan itago pa ung white hairs ko. pero nawalan naman ako ng mga kasama. diba? maghanap ng bago? sa ngayon di ko pa kaya. sila lang yung nasa utak ko parati e. nakakainis nga e. pagnagkikitakita kami gusto ko na sabihin pero d ko talaga nagagawa ...KASI... wala sa chempo parati e... kasi kaya ko naman sabihin pero gusto ko sasabihin ko kapag nasa chempo. wala rin kwenta pag wala sa chempo e. ung tipong siryus mode lahat. gustong gust ko na sabihin pero hindi talaga ako nakakahanap ng chempo e. feeling ko nga alam na nila kaso ayaw lang nila pagusapan kasi wala rin naman pupuntahan. feeling ko iniisip nila na mas mabuti 'kunwari' d namin alam para hindi ka mailang or mawala or mawalan ng pagasa samin. basta ang supot ng feeling. iniwan na naman ako ni Batman.
ang hirap mganalogize. mas mabuti yung direcho. di kasi ako nilalapitan ng chempo.
its hard to feel something and not feel it in return. in other words, hirap maging tanga... pero sana tanga rin siya... :)
6:51 AM


